Hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang CPP-NPA sa pasko at bagong taon.
Batay sa inilabas na pahayag ng CPP, mahirap na umanong magdeklara ngayon ng ceasefire dahil sa pinaigting pang opensiba ng militar at kapulisan.
Gayunman nakikiisa aniya ang kanilang grupo sa pagdiriwang ng mga Pinoy tuwing magtatapos ang taon gayundin ang kanilang ika-25 anibersaryo sa Disyembre 26.
Una rito, hindi inirekomenda ng Armed Forces of the Philippine ang tigil putukan sa CPP-NPA ngayong holiday season at ang naging pahayag ng Pangulo na hindi na ito magdedeklara ng ceasefire hanggang sa matapos ang kaniyang administrasyon.