Pinalaya na ng mga otoridad ang tinaguriang “Cebu 8″ na inaresto matapos magsagawa ang mga ito ng kilos protesta para tutulan ang anti-terror bill sa harap ng University of the Philippines-Cebu campus noong nakaraang linggo.
Ito’y matapos ipag-utos ng Cebu City Municipal Trial Court ang pagpapalaya sa mga ito kahit pa pinagsusumite pa ang mga ito ng counter affidavits sa loob ng 10 araw simula pagkalaya.
Nagpapasalamat naman si King Perez, tagapagsalita ng grupo, sa iba’t ibang organisasyon at indibidwal na nagpahayag ng suporta at nanawagan ng kanilang paglaya.
Nakatakda naman umanong magsampa ng kaso ang grupo laban sa mga pulis na umaresto sa kanila.