Aampunin ng Cebu City government ang bayan ng San Francisco sa Surigao del Norte na matinding tinamaan ng lindol noong Pebrero 10.
Ito’y bunsod ng rekomendasyon ni Nagiel Bañacia, head ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ayon kay City Mayor Tomas Osmeña, natuklasan nilang kakaunti lamang ang assistance na nakakarating sa bayan ng San Francisco.
Sinabi pa ng alkalde na maglalaan agad sila ng lump sum o pondo upang makumpuni ang mga gusaling sinira ng magnitude 6.7 na lindol.
By Jelbert Perdez