Pinatatawad na ni Cebu City Archbishop Jose Palma si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng patuloy na pagbanat nito sa simbahang Katolika.
Ayon kay Palma, hindi siya nasasaktan sa mga batikos ng Pangulo laban sa mga leader ng simbahan dahil wala naman itong katotohanan.
Sa halip anya na punahin o resbakan ay dapat anyang ipagdasal ng publiko si Pangulong Duterte na marahil ay balot din ng mga problema.
Iginiit ni Palma na marami ng nagawa ang Simbahang Katolika upang i-angat ang pamumuhay ng mga maralita pero hindi ito masyadong isinasapubliko kaya’t imposible ang mga akusasyon ng Pangulo na walang ginagawa ang mga obispo at pari.
By: Drew Nacino