Pansamantalang ipinatigil ang lahat ng misa sa Basilica Minore del Sto. Niño sa Cebu City, ngayong araw.
Matapos tumaas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Ayon kay Fr. Pacifico Nohara Jr., sa lahat ng deboto maaaring pa rin silang lumahok sa novena masses at ipagdiwang ang pista ng Señor 2021 sa kanilang live streaming sa pamamagitan ng Facebook, Youtube channel at iba pang nilang broadcast partners.
Batay sa magkahiwalay na abiso, sabi ni Nohara, na bukas pa rin ang Basilica mula alas-6 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon para makabisita ang mga deboto sa simbahan.
Samantala, ayon sa ulat ikinansela rin ang mga ritwal na dance competition sa Sinulog 2021 para malabanan ang pagkalat ng coronavirus. —sa panulat ni John Jude Alabado