Hindi susundin ng lokal na pamahalaan ng Cebu ang atas ng Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay sa pagsasara ng mga sementeryo sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.
Ayon kay Acting Mayor Michael Rama, mananatiling bukas ang sementeryo ng lungsod na nagsimula nitong Oktubre 18 hanggang Nobyembre 5.
Aniya, tanging mga kumpleto lamang ng bakuna ang papayagang makapasok pagdating ng Nobyembre 1 at 2.
Giit ni Rama, wala aniyang masama kung sasang-ayon sa kaniya ang iatf na buksan ang sementeryo sa undas at payagang makapasok ang mga kumpleto na ng bakuna gayong matagal ng pinaghandaan ng lungsod ang preparasyon dito.—sa panulat ni Airiam Sancho