Nadagdagan pa ang mga lugar na nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.
Kabilang dito ang Cebu City kung saan aabot na sa P15 million ang halaga ng pinsalang idinulot ng El Niño sa sektor ng kanilang agrikultura.
Ayon sa Cebu City Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 28 barangay ang apektado ng El Niño sa kanilang lungsod.
Samantala, isinailalim na rin sa state of calamity ang buong probinsya ng Albay.
Ito’y kung saan aabot na sa P128 million ang naitalang halaga ng pinsala sa kanilang mga pananim.
Maliban dito, natuyot na rin ang mga patubig dahil sa matinding init sa lalawigan.
Agad namang nagpaabot ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Albay kabilang ang pagbibigay sa mga magsasaka ng mga binhi na madaling patubuin.