Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu dahil sa matinding tagtuyot.
Sa resolusyon ng Cebu Provincial Board, inilagay sa nasabing estado ang probinsiya upang matugunan ang kakapusan sa tubig bunsod pa rin ng dry spell.
Layon ng kautusan na makapagpalabas ng P36.3 million na calamity funds para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bahagyang El Niño.
Una nang ipinalagay na ang mild El Niño ay tatagal hanggang sa huling bahagi ng taong kasalukuyan.
By Jelbert Perdez