Inilagay sa ‘very low risk’ classification sa COVID-19 ang Cebu City.
Sa pinakahuling ulat ng OCTA Research Group, ang average daily attack rate o adar sa naturang lugar ay nasa 1.72 na lamang sa kada 100,000 population at bumaba ang healthcare utilization sa 19% .
Naitala rin ang 0.42 reproduction number sa lungsod at testing positivity rate na 2%.
Ayon pa sa OCTA, nasa low risk classification naman ang National Capital Region, lalawigan ng Rizal, Cavite, Bulacan, Batangas, at Davao City, habang nasa moderate risk naman ang Laguna at Pampanga.—sa panulat ni Hya Ludivico