Dapat na maghinay-hinay ang Cebu City Government sa pag-alis ng mandatory na paggamit ng face mask sa kanilang nasasakupan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, Immediate Past President ng Philippine College of Physicians, na kahit na bumababa ang mga kaso ng COVID-19 sa ngayon, ay posibleng tumaas muli ito lalo’t balik face-to-face classes na ang mga estudyante.
Sinabi pa ni Limpin na dapat na kinonsulta muna ng Cebu LGU ang Department of Health bago ipinatupad ang naturang kautusan.
Mainam rin aniya na magkaroon ng isang polisiya ang bansa kaugnay sa pagsusuot ng face masks upang maiwasan ang kalituhan kaugnay dito.