Aminado ang lokal na pamahalaan ng Cebu City na nagkaroon sila ng problema sa paglalabas ng pondo para sa sweldo ng kanilang mga contact tracers.
Bunsod nito, humihingi ng paumanhin ang Cebu LGU sa pangyayaring ito.
Ayon sa lokal na pamahalaan, kinakailangan nilang humingi ng karagdagang budget dahil hindi umano kasama sa kanilang taunang pondo ang sweldo para sa mga contact tracers.
Mayroon din umano silang nakitang mali sa mga requirements at reports na isinumite sa kanila ng ilang contact tracers.
Samantala, sinabi naman ng lokal na pamahalaan ng Cebu na sisikapin nilang maipamahagi na ang sweldo ng mga contact tracer, darating na Miyerkules, Disyembre 2.