Pinirmahan na ni Cebu City Mayor Michael Rama ang executive order na nagsasaad na hindi obligado o mandatory ang pagsusuot ng face mask sa Cebu City.
Ayon sa alkalde ito ay isang self-preservation and protection na maaaring magsuot ang isang indibidwal o hindi na magsuot ng naturang face mask.
Samantala sa mga may comorbidities naman, kinakailangan na mag stay at home at kapag lumabas naman ay kinakailangan na magsuot ng facemask.
Maliban dito, dapat pa rin magsuot ng face mask ang mga indibidwal na nasa ospital at clinic.
Habang ang iba naman ay maaari nang hindi magsuot ng facemask kapag nasa open areas lang.
Dahil dito, ang mga estudyante na nasa paaralan ay pwede nang hindi magsuot ng facemask pero depende sa regulation na ipatutupad ng Department of Education (DEPED).