Sinampahan ng kaso sa Ombudsman ng Cebu City Police Office ang kanila mismong alkalde na si Mayor Tomas Osmeña.
Ito’y ayon kay Cebu City Police Chief, S/Supt. Royina Garma ay dahil sa pakiki-alam ni Osmeña sa kanilang trabaho bilang alagad ng batas.
Kasong obstruction of justice, abuse of authority at violation of ethical standards for public official ang inihain laban sa alkalde.
Nag – ugat ang reklamo nang arborin ni Osmeña ang mga inaresto ng pulisya na sangkot sa refilling ng LPG o Liquified Petroleum Gas at butane cannister sa lungsod.