Wala sa Narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cebu City Mayor Tomas Osmeña.
Ayon ito kay PDEA Director General Aaron Aquino na nagsabing nasa 87 pulitiko kabilang ang mga alkalde at bise alkalde ang nasa nasabing Narco-list.
Una nang inakusahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Osmeña na nagkakanlong ng drug lords matapos tukuyin ang affidavit ni Reynaldo Jumbo Diaz na umano bagman at pinsan ni Jaguar na itinuturing na high profile drug suspect.