Naglabas ng schedule ang lokal na pamahalaan ng Cebu City para mga isasagawang mass testing sa lungsod simula ngayong araw Mayo 1.
Ayon kay Cebu City Mayor Edgar Labella, 14 na barangay kada araw mula ngayong araw hanggang Mayo 10 ang isasalang sa pasusuri ang mga residente sa pamamagitan ng rapid test kit.
Habang ang mga magpopositibo naman ay isasailalim sa confirmatory test gamit ang mga PCR test kits sinula mayo 10 hanggang 15.
Sinabi ni Labella, hindi na isinasama pa sa schedule ng mass testing ang Barangay Luzon at Labangon dahil halos lahat mga residente roon ay naisalang na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.
Dagdag ni labella, gagamitin ang resulta ng mass testing para matukoy kung dapat na nga bang irekomendang ibaba sa general community quarantine (GCQ) ang umiiral na enhaned community quarantine (ECQ) sa Cebu City.
Sa pinakahuling tala ng Cebu City, umaabot na sa 734 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.