Nasa halos walumpung milyong piso ang halaga ng nasira sa sektor ng agrikultura sa Cebu City.
Matatandaang hinagupit ng bagyong Odette ang kanilang lugar kung saan, 31 Mountain Barangays ang naapektuhan ng bagyong Odette kabilang na dito ang Brgy. Adlaon, Guba, Lusaran, Paril, Cambinocot, Tagbao, Sudlon I, Sudlon II, at Tabunan.
Nabatid na umabot sa 5, 880 na bilang ng mga magsasaka ang problemado ngayon sa kanilang mga pananim matapos mapinsala ang kanilang mga produkto.
Aabot naman sa 80 hanggang 90% ng gulay ang winasak ng bagyo, 75% naman sa puno ng mangga at cacao at 99% naman sa puno ng saging.
Apektado din ang mga ornamental plants at cut flowers habang nasira din ng malakas na hangin ang ilang livestock at poultry farms.
Sa ngayon tinitingnan na ng CDRRMO ang gagawing tulong sa mga apektadong magsasaka. —sa panulat ni Angelica Doctolero