Nakapagtala ng panibagong 191 na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Cebu City.
Ito’y ayon sa datos ng Cebu City Health Department (CHD) dahilan para sumampa na sa 5,141 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lugar.
Pumalo na rin sa 169 ang bilang ng mga pumanaw dahil sa virus matapos makapagtala ng panibagong 13 na nasawi.
Samantala, nadagdagan din ng 114 ang mga pasyenteng naka-recover sa COVID-19 kaya’t nasa 2,713 ang lahat ng mga gumaling sa sakit.
Dagdag pa ng CHD, nasa 2,259 ang active cases ng COVID-19 sa naturang lungsod na kasalukuyang ginagamot at naka-quarantine.
Sa ngayon, ang Cebu City pa rin ang may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa buong bansa, kasunod ang Quezon City na mayroon namang 3,255 cases.