Nagpasalamat si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa National Government sa muling pagkilala sa mga polisiyang ipinatutupad ng provincial government kontra COVID-19 pandemic.
Ito’y makaraang irekomenda ng Inter-Agency Task Force kay Pangulong Bongbong Marcos na luwagan ang polisiya sa mandatory wearing ng face mask sa open spaces.
Aminado si Garcia na kahit nagkaroon ng kaunting hindi pagkaka-unawaan noon ang National government at LGU ng Cebu province, maayos naman sa ngayon ang ugnayan nila sa mga bagong miyembro ng IATF.
Nito lamang hunyo ay nagkaroon ng hindi pagkaka-intindihan ang gobernadora, IATF at Department of Interior and Local Government sa magkaiba nilang posisyon sa facemask policy.
Una nang nag-issue si Garcia ng Executive Order 16 noong June 8 upang payagan ang optional na pagsusuot ng face mask sa open spaces sa lalawigan bagay na tinutulan naman ng DILG at IATF.