Iiklian ng Cebu Provicial Government ang quarantine period para sa mga OFW na uuwi sa lalawigan.
Gayunman, ipinabatid ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na kailangang fully vaccinated ang returning OFW para sumailalim sa bagong lima mula sa pitong araw na quarantine period.
Sinabi ni Garcia na kailangan pa ring sumailalim sa RT PCR test ang returning OFW matapos ang quarantine period at papayagan lamang umuwi sa kani kanilang pamilya kung magne negatibo sa swab test.