Isinailalim ni Cebu governor Gwendolyn Garcia ang buong probinsya sa General Community Quarantine (GCQ) simula ngayong araw.
Sa inilabas na kautusan ni Garcia, sinabi nito na kasunod ng pagsasailalim ng GCQ sa probinsya, iiral pa rin ang lahat ng restriksyon sang-ayon sa kanilang quarantine status para patuloy na maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Ibig sabihin, ang mga kainan sa probinsya ay papayagang magbukas sa publiko basta’t susundin ang 50% venue capacity habang 100% capacity naman sa al fresco dining.
Gayundin ang mga personal services gaya ng spa, salons, parlor at iba pa basta’t 50% capacity lamang.
Samantala, sa pinakahuling datos na Cebu provincial health department, bumaba ang active COVID-19 cases nito mula 5,015 nitong Agosto 21 ay bumaba ng 3,826 noong katapusan ng buwan ng Agosto.