Isinailalim na sa state of calamity ang probinsya ng Cebu dahil sa kakulangan ng tubig dahil sa El Niño.
Ito ang naging deklarasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa ginanap na emergency meeting.
Naitala ang kawalan ng tubig sa malaking bahagi ng probinsya habang kakaunti naman ang suplay sa iba pang lugar.
Umaabot na sa 58 million ang naitalang damage sa livestock habang 22 million naman sa poulty dahil sa matinding init.
Una nang idineklara ang state of calamity sa Cebu City dahil pa rin sa nararanasang matinding tagtuyot.
By Rianne Briones