Dinipensahan ng Cebu government ang kanilang hakbang sa mandatory use ng air purifiers sa mga tsuper at konduktor ng pampublikong transportasyon.
Ayon kay Cebu governor Gwen Garcia, magbibigay ito ng karagdagang proteksyon kontra COVID-19.
Maliban sa pagpapasuot ng mga air purifiers… Nagbaba rin ng kautusan ang Cebu LGU na sundin ang 75 percent na capacity limit at ang konsepto ng open air.
Sinagot din ni Garcia ang sabi ng DOH na hindi nila nirerekomenda ang pagsusuot ng air purifiers.
Ayon kay Garcia, may mga lumalabas na artikulo na nagsasabing hinihikayat ng kagawaran na gumamit nito para sa karagdagang proteksyon.—sa panulat ni Rex Espiritu