Isasailalim na rin sa general community quarantine (GCQ) ang mga siyudad ng Cebu at Mandaue, ang dalawang pinakahuling lugar sa bansa na nananatili sa enhanced community quarantine.
Batay ito sa napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) matapos ang kanilang naging pulong kagabi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makakasama na ang Cebu City at Mandaue City Sa mga ilalagay sa gcq simula sa Lunes, Hunyo 1 hanggang 15.
Una nang inanunsyo ang pagsasailalim sa gcq ng buong Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, nalalabing bahagi ng Central Visayas, Pangasinan, Davao City at Zamboanga City.
Habang naka modified GCQ na ang nalalabi pang mga lugar sa bansa na una nang inilagay sa GCQ.