Naglunsad ng incentive program ang lokal na pamahalaan ng Cebu para sa mga nabakunahan nang residente.
Ayon kay Acting Mayor Michael Rama, kabilang sa programang ito ang pa-raffle sa Oktubre 18 kung saan maaaring manalo ng house and lot at sasakyan ang mga residenteng bakunado na.
P100,000 halaga ng gift certificates ng hotel accommodation, P100,000 halaga ng scholarships at groceries.
Ani Rama, layon nito na mahikayat pa ang ibang residente ng magpabakuna na kontra COVID-19.