Nakapagtala ng 31 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Cebu City.
Batay sa ito sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) dahilan kaya umakyat na sa 910 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID -19 sa lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Cebu City, 22 sa mga bagong kaso ang nagmula sa Sitio Alaska sa bahagi ng Barangay Mambaling.
Tig-dalawa naman mula sa Sitio 3 Borces sa Barangay Mabolo At Barangay Labangon.
Habang tig-isang bagong kaso ang naitala sa Spolarium Barangay Duljo Fatima; A. Abellana Barangay Guadalupe, Barangay Carreta, Sitio San Isidro Barangay Inayawan at Sitio Mary Grace, Barangay Budlaan.
Samantala, inanunsyo ni Cebu City Mayor Labella ang pagpapaliban sa nakatakda sanang pagsisimula ng targeted COVID-19 testing sa lungsod simula ngayong araw at sa halip ay inilipat na lamang sa Miyerkules, ika-6 ng Mayo.