Dalawang pagyanig ang naitala sa Cebu ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naramdaman ang lindol dakong alas-3:41 ng madaling araw na nasa magnitude 3.4.
Naitala ang sentro nito sa layong 2 kilometro hilagang kanluran ng Asturias sa Cebu.
Naramdaman ang intensity 3 at 2 sa Cebu City at Lapu-Lapu City.
Samantala nasundan naman ito ng mas malakas na pagyanig na nasa 4.8 magnitude dakong alas-3:43 ng madaling araw.
Wala namang napaulat na napinsala sa naturang paglindol.
By Ralph Obina