Nilinaw ng pamunuan ng Cebu Pacific na kailangan muna nilang gumawa ng mas malalimang validation at verification.
Ito ay matapos lumabas ang mga report na eroplano ng Cebu Pacific ang sinakyan ng Chinese national na nagpositibo sa novel coronavirus (nCoV).
Ayon kay Cebu Pacific Spokesperson Charo Logarta-Lagamon, wala pa silang hawak na sapat na detalye sa ngayon dahil kahapon lang din nila ito nalaman.
Aniya, makikipag-ugnayan sila sa Department of Health (DOH) hinggil dito.
Samantala, nilinaw naman ni Logarta na wala pa silang opisyal na pahayag mula sa DOH at marami pang detalye ang kailangan nilang makuha.
We have to wait for official word, we have to wait and validate to the Department of Health. Hindi natin alam knug ano pa ang detalye nito, kasi kailangan pong malaman kung sino siya, sino’ng nakaupo sa tabi nya, so, ito ‘yung mga bagay na kailangan pa naming i-coordinate with them,” ani Lagamon. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas