Nagkansela na rin ang Cebu Pacific ng dalawang biyahe nila kada araw patungong Taipei, Taiwan.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Charo Logarta-Lagamon, tagapagsalita ng Cebu Pacific, bagamat pinayagan pa ang isang Manila-Taipei flight nila kagabi, gayundin ang return flight nito kaninang madaling araw.
Gayunman, sinabi ni Lagamon na ang mga nakasakay sa return flight ay kailangang sumailalim sa 14-day quarantine period.
Pinayagan pa pong umali ‘yung last flight po ng Manila-Taipei at pinayagan din po namang bumalik ‘yung return flight kaninang madaling araw, bagamat ‘yung return flight na dumating kanina –excluded na po, or hindi na po pinayagang magcheck-in for the flight ang mga foreign nationals and ‘yun pong mga Filipino nationals and foreigners with permanent resident visas in the Philippines pinayagan po, but they will have to go through the 14-day quarantine,” ani Lagamon. —sa panayam ng Ratsada Balita