Nagpaalala ang Cebu Pacific sa mga biyahero na agahan ang pagtungo sa mga airport ngayong peak season.
Ayon sa Cebu Pacific, dapat na maging maaga ang mga pasahero tatlong oras para sa domestic flights at apat na oras naman para sa international flights.
Ito ay para hindi sila magahol sa oras para sa isasagawang security inspection, check-in, bag drop at iba pang pre-departure requirements.
Pinaalalahanan din ang mga pasahero na magdala lamang ng isang hand carry bag na hindi lalagpas sa 7kls ang timbang.
Samantala, para naman sa may mga kasamang sanggol, maaring magdala ng isa pang extra bag para sa pagkain at pangangailangan ng bata. —sa panulat ni Angelica Doctolero