Magpapatuloy ang operasyon ng Cebu Pacific Airlines sa gitna ng pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ng National Capital Region (NCR) at sa iba pang karatig lalawigan mula ngayong araw hanggang sa ika-30 ng Abril.
Sa inilabas na anunsiyo ng Cebu Pacific, tanging essential travelers o authorized persons outside of residence (APOR) lamang ang pinapayagang bumiyahe sa labas at loob ng Maynila kaugnay sa inilabas ng Department of Transportation.
Bukod dito, sinabi rin ng Cebu Pacific na maaaring magrebook ng ilang beses ang mga naapektuhang flights nang walang karagdagang bayad o maaari rin itong ilagay sa virtual wallet. —sa panulat ni Rashid Locsin
CEB Advisory: CEB operations during MECQ – April 12 to 30, 2021
As of April 11, 2021, 8:30PMThe Philippine…
Posted by Cebu Pacific Air on Sunday, 11 April 2021