Walang indikasyong pinakialamanan ng mga tauhan ng Cebu Pacific ang bagahe ng isang babaeng pasahero nito.
Ayon ito kay Charo Logarta-Lagamon, spokesperson ng Cebu Pacific base na rin isinagawa nilang imbestigasyon mula sa CCTV footage, body cameras at pahayag ng kanilang ground staff.
Sinabi ni Lagamon na isusumite nila sa pamunuan ng MIAA ang mga nakuha nilang ebidensya at testimonya kasama ang final report sa naturang insidente.
Nakipag-ugnayan na aniya sila sa ground handlers sa Hong Kong International Airport para matukoy kung saan dumaan ang bagahe ng pasahero.
Magugunitang nag-viral ang video ng pagiging hysterical ng babaeng pasahero sa NAIA nang madiskubre nito na bukas na ang kaniyang maleta matapos sumakay ng Cebu Pacific sa Hong Kong pauwi ng Pilipinas galing ng London sakay ng ibang eroplano.