Inanunsyo ng Cebu Pacific ang mga klasipikasyon ng mga travelers na exempted sa patakaran ng Department of Transportation (DOTr) ang “No Vaccination, No Ride”.
Ang mga sumusunod na manlalakbay ay hindi kasama:
- Mga hindi nabakunahang pasahero, kabilang ang mga menor de edad na wala pang 18 anyos, na sumusunod sa lahat ng mga kinakailangan ng mga lgu sa kanilang destinasyon;
- Ang mga umuuwi na residente sa at mula sa Metro Manila na maaaring magpakita ng proof of residency, kasama ang iba pang mga kinakailangan ng LGU.
- Mga pasaherong may medical conditions na pumipigil sa pagbabakuna kontra COVID-19, may lehitimong sertipiko mula sa doktor
- Mga indibidwal na bumili ng mga mahahalagang produkto at serbisyo—hindi limitado sa pagkain, gamot at mga kagamitang medikal
Nanawagan din ang Cebu Pacific sa mga pasahero na tiyaking kumpleto ang mga kinakailangan sa paglalakbay at i-update ang kanilang contact details upang patuloy na maabisuhan sa mga pagbabago ng flights.
Samantala, sinabi ng airlines na ang mga pasahero ay maaari na ngayong maka-avail ng mga flexible na opsyon kung nais nilang ipagpaliban ang kanilang travel. —sa panulat ni Kim Gomez