Magpapatupad ng dagdag na security measure ang Cebu Pacific para sa mga biyahe nito pa Guam.
Ipinagbabawal ng Cebu Pacific ang pag hand carry sa powder like substances na may timbang na 12 ounces o higit pa.
Kukumpiskahin ng mga tauhan ng Cebu Pacific ang anumang powder like substances sa pagsasalang nila sa dagdag na screening at security check sa mga pasahero.
Kabilang sa mga powder like substances ay harina, asukal, kape, spices, powdered milk tulad ng infant formula, cosmetics at human remains o abo.
Exempted naman sa nasabing panuntunan ang baby formula, medically prescribed substances at mga powder like substances na binili sa Duty Free at nakalagay sa security tamper evident bags at ang mga container dito ay naka selyo o cleared na ng security screening.
(with report from Raoul Esperas)