Pinayuhan ng Cebu Pacific ang mga mayroon nang tiket pauwi ng probinsya na siguraduhin munang confirmed ang kanilang flight bago magtungo ng airport.
Ayon kay Charo Logarta-Logaman, spokesperson ng Cebu Pacific, posibleng minabuti ng marami na mag-camping na lamang sa naia matapos mapag-alamang cancelled ang kanilang flight dahil hindi na sila makabalik sa lugar kung saan sila nanatili sa panahon ng quarantine.
Kahit ilang beses naman anyang magpa rebook ng ticket ay libre itong pinapayagan ng Cebu Pacific dahil sa kasalukuyang sitwasyon.
Ipinaliwanag ni Logarta na may mga flights sila na nakakansela dahil hindi pumapayag ang mga LGU’s na palapagin sa kanilang lugar ang mga eroplano mula ng Metro Manila, sa pangambang magdala ito ng COVID-19.
Matatandaan na mayroong insidente kung saan negatibo ang COVID-19 test sa Metro Manila subalit nagpositibo ito pagdating sa probinsya.
We are only able to notify passengers through the contact details na binigay doon sa amin when we booked their flight. Second, nag-aanunsyo naman tayo na walang flight o limited ang flights so, wag na muna pumunta ng airport kung wala pang confirmed flight, maaari namang i-rebooked online ang mga flight, kapag may confirmed flight with Cebu Pacific simply go to the website,” ani Logarta. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.