Nag-alok ang Cebu Pacific ng ilang libreng sakay sa kanilang eroplano para sa Overseas Filipino Workers (OFW’s) na na-stranded sa Hong Kong matapos na magkaroon ng problema sa pagbo-book ng kanilang biyahe.
Sa ipinalabas na pahayag ng Cebu Pacific, sinabi nito na nakahanda silang tulungan ang ilang OFW’s na makauwi ng Pilipinas para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Pasko.
Ayon sa Cebu Pacific, maglalaan sila ng limampung (50) upuan sa kanilang flight na 5j 110 na bi-biyahe sa Disyembre 25 para sa OFW’s na nais umuwi.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) at konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong para sa pagsasaayos ng pagbiyahe ng mga nasabing OFW’s.