Nagsagawa ng ‘oplan tokhang’ ang pulisya sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center o CPDRC. kahapon.
Sa operasyon, kinatok at kinausap ng mga miyembro ng provincial public safety company ang halos Tatlong Libong bilanggo na itigil na ang paggamit ng iligal na droga.
Ayon kay Sr. Inspector Zosimo Jabas, may mga preso pa rin sa CPDRC na gumagamit ng droga o nagbibisyo.
Maliban sa isinagawang ‘profiling’, sinasabing pinalagda din sa affidavit ang mga bilanggo na nagsasaad na hindi na sila kailanman gagamit ng illegal drugs.
Isiniwalat ni Jabas na anim na pung porsiyento ng mga inmate sa CPDRC ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa bawal na gamot.
By: Jelbert Perdez