Nakakulong na sa Central Visayas Regional Headquarters ng Philippine National Police (PNP) ang suspect sa road rage sa Cebu City.
Kusang sumuko sa tanggapan ni Chief Supt. Noli Taliño hepe ng PNP Central Visayas ang suspect na si David Lim Jr. matapos makipag-usap ang kanyang ina kay Assistant to the President Bong Go.
Ayon kay Taliño, batay sa salaysay ni Lim, hindi niya sinasadya ang pagkakabaril niya kay Ephraem Nuñal Montalbo dahil sa away trapiko.
“Ang sinasabi niya hindi niya intensyon na patayin si Nuñal…”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag Chief Supt. Noli Taliño
Nagbabala si Taliño na posibleng bumigat ang kaso ni Lim sakaling mapatunayan sa imbestigasyon na walang lisensya ang dala nitong baril.
Nakatakda nang isampa ang kasong frustrated murder laban kay Lim anumang oras sa araw na ito.
Samantala, tiniyak ni Taliño na magiging patas ang PNP sa pagtrato kay Lim.
Pinawi ni Taliño ang pangamba na mabigyan ng VIP treatment si Lim dahil anak ito ni David Lim Sr. na prominente sa Cebu at pamangkin ni Peter Lim na minsan nang inakusahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na drug lord.
“Lahat ng arestado natin ay pare-pareho ang ating treatment…”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Chief Supt. Noli Taliño
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
*Photo via | Jonathan Andal (Patrol 31)