Makalilipad nang libre mula sa Cebu Pacific ang 19 na mga atletang Pilipino na sumabak sa Tokyo Olympics.
Ayon kay Candice Iyog, Vice President for Marketing & Customer Experience ng Cebu Pacific na ang naturang free flights ay bilang pagkilala ng Airline Company sa galing na ipinamalas ng mga atletang Pilipino sa nagpapatuloy na torneo.
Kabilang sa mga bibigyang atleta ay sina first ever Pinay gold Olympian Hidilyn Diaz, Eireen Ando, Kurt Barbosa, Margielyn Didal, Luke Gebbie, Kris Knott at iba pa.
Mababatid na bukod sa pagsaludo ng Airline Company sa mga atleta ang 25 free flights ay bahagi rin anila ng paggunita ng ika-25 anibersaryo ng Cebu Pacific.
Samantala, ang naturang free flights naman ay pupwedeng ibahagi ng mga atleta sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan na kaisa sa mga sumusuporta sa kanilang pagsabak sa sports.