Ipinapaaresto na ng Sandiganbayan 3rd Division si Cedric Lee, at dating Mariveles, Bataan Mayor Angel Peliglorio.
Kaugnay ito sa nakabinbin na kasong graft at malversation funds laban sa dalawa, dahil sa pagpapatayo ng pampublikong pamilihan sa Mariveles.
Sinabi ni Clerk of Court Dennis Pluma, nakitaan nila ng probable cause ang kaso laban sa dalawa, at dahil dito, kanila nang ibinasura ang hiling ng dalawang kampo ng reinvestigation at ang pagbawi ng warrant of arrest laban sa kanila.
Dahil dito, kailangan nang magtungo sa sandiganbayan nina Lee at Peliglorio, upang magbayad ng kanilang piyansa.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)