Pansamantalang makalalaya ang negosyanteng si Cedric Lee makaraang makapaglagak ng piyansa sa mga kasong graft at malvesation na kinahaharap nito sa Sandiganbayan.
Ayon kay Atty. Dennis Pulma, Clerk of Court ng Sandiganbayan, P70,000 ang kabuuang piyansa na inilagak ni Lee sa tanggapan mismo ng 3rd Division, ilang oras lamang matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kaniya at kay Mariveles Bataan Mayor Angel Peliglorio.
Nag-ugat ang kaso sa dalawa kasunod ng hindi otorisadong paglalabas ng mahigit P23 milyong piso pondo at pagbibigay mahigit P14 milyong pisong utang ng bayan sa kumpaniya ni Lee na Izumo Contractors para sa pagpapatayo umano ng palengke na hindi naman natuloy.
Gayunman, sinabi ni Pulma na tiniyak ng kampo ni Mayor Peliglorio na haharap ito sa Anti Graft Court at maglalagak ng piyansa sa susunod na linggo.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)