Kakasuhan ng CEGP o College Editors Guild of the Philippines ang ilang tauhan ng PNP at Philippine Army na nang harass sa kanilang mga miyembro sa Camarines Sur.
Ayon kay Jose Mari Callueng, national chair ng CEGP, malinaw na paglabag sa kanilang freedom of expression ang pagtungo sa paaralan ng mga nagpakilalang pulis at intel officer para pigilan ang mga miyembro ng school publication na makiisa sa mga aktibidad ng CEGP.
Sinabi ni Callueng na iniimbestigahan na nila ang mga pulis at sundalong nagtungo sa Baao Community College at Ateneo de Naga University.
Kasabay nito, umalma ang CEGP sa anito’y red tagging o pag-uugnay sa kanila sa New People’s Army (NPA).
By Judith Larino