Hindi magbibigay ng special treatment si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga celebrity na kabilang sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umano’y sangkot sa iligal na droga.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos i-anunsyo ng PDEA na mayroong 31 celebrities na kabilang sa kanilang drug list.
Gayunman, ayon kay Panelo, wala pang desisyon ang pangulo kung isasapubliko rin nito ang naturang listahan.