Pumanaw na sa edad na 56 ang celebrity fashion designer na si Pepsi Herrera.
Ayon sa ulat, nasawi si Herrera matapos itong atakihin sa puso kahapon ng umaga.
Nakatakda namang ihatid sa kanyang huling hantungan si Herrera bukas sa Heritage Memorial Park.
Nagulat naman ang mundo ng showbiz at hindi makapaniwala sa naturang balita kabilang si Kim Chiu.
Kabilang sa mga dinidisenyuhan ng damit ni Pepsi ay ang celebrities na sina Kris Aquino, Regine Velasquez, Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Janella Salvador, Julia Montes, Coleen Garcia, Alden Richards at iba pa.
By Ralph Obina