Naglabas ng saloobin ang nagwaging Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi.
Sa Instagram post ng beauty queen, sinabi nito na hindi maalis sa kaniyang isip ang ama’t ina na inspirasyon niya sa kompetisyon.
Kombinasyon aniya ng mahigpit na pagsasanay at pananampalataya ang sandigan niya sa laban.
Payo naman ni Celeste sa mga nangangarap na maging beauty queen na maniwala lamang sa sarili at sa pangarap at huwag mawawalan ng pag-asa.
Ito ang ikalawang beses na nakakuha ng national pageant crown si Celeste matapos ang sungkitin ang korona sa Miss Philippines 2018.