Ibinahagi ni Miss Universe Philippines Celeste Cortesi ang kanyang puspusang paghahanda para sa prestihiyosong pageant.
Bagamat dalawang buwan pa bago ang nasabing kompetisyon, ipinakita ni Celeste sa pamamagitan ng isang YouTube video ang kanyang mga ginagawa upang maiuwi ang korona.
Hindi itinago ni Celeste sa publiko na minsan ay natatapilok siya sa gitna ng kaniyang pasarela training.
Aminado ang Pinay Representative na napapagod din siya matapos ang dalawang oras na pagsasanay ngunit sinabi nito na agad siyang tumatayo at thankful siya sa kanyang mga natututunan.
Say pa ni Celeste, “No matter how many times you fall, you always have to stand up with a smile.”
Tiniyak naman ni Celeste na maganda ang takbo ng kanyang pagsasanay para sa kompetisyon.
Magaganap ang ika-71 Miss Universe Pageant sa New Orleans, Louisiana, sa Estados Unidos, sa Enero 14.