Sumakabilang buhay na ang stage icon na si Celia Diaz Laurel, maybahay ng yumao na ring dating Vice President Salvador Laurel.
Ayon sa pamilya Laurel alas-8:30 kagabi nang pumanaw si Ginang Laurel sa edad na 93 bagama’t hindi tinukoy ang sakit nito.
Sinasabing malaking kawalan si Ginang Laurel sa teatro bilang aktres, set at costume designer sa repertory Philippines, writer at masugid na tagasuporta ng sining.
Nitong may 29 na kaarawan mismo ni Ginang Laurel inilunsad ang pagsasapubliko ng ginawa nitong libro na may titulong “my lives behind the proscenium” na kuwento ng kaniyang transformation bilang babae at artist sa mga nakalipas na panahon.
Wala pang pinal na desisyon ang Pamilya Laurel hinggil sa burol at paghahatid sa huling hantungan kay Ginang Laurel na inulila ang anim na anak.