Ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte na binibigyan siya ng China ng cellphone na hindi maaaring ma-hack.
Subalit sinabi ng pangulo na tinanggihan niya ang nasabing alok ng China.
Ito, ayon sa pangulo, ay dahil ayaw niyang mapagdudahan ng taumbayan na may itinatago sa publiko.