Kasalukuyan nang sinusuri ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District o QCPD ang cellphone ng napatay na DWIZ metro patrol volunteer na si Jose Bernardo.
Ito’y upang matukoy ang posibleng pagkakakilanlan ng nasa likod sa pagpatay dito
Batay sa paunang imbestigasyon ng QCPD, may katatagpuin sana ang biktima sa isang fast food chain sa bahagi ng Zabarte Road sa barangay kaligayahan sa naturang lungsod
Ayon sa salaysay ng security guard, iginagrahe na lamang ng biktima ang kaniyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang mga suspek na pawang riding in tandem at saka pinaulanan ito ng bala.
Sugatan naman ang isa pang kawani ng fast food chain na kinilalang si Marlon Donio na agad namang dinala sa pagamutan
Bukod sa pagiging volunteer reporter ng DWIZ, nagsusulat din si bernardo sa pahayagang Bandera at nag-uulat din sa himpilang DWBL.
By: Jaymark Dagala