Tila naibalik ng Boston Celtics ang kanilang swerte matapos maitala ang ika – 17 panalo sa NBA.
Kasunod ito nang pagpapabagsak ng Celtics sa Orlando Magic kung saan naitala ang final score sa 118 – 103.
Kaagad nakabangon ang Celtics matapos harangin ng Miami Heat ang tangka nilang maitala ang ika – 16 sanang panalo.
Balik na sa paglalaro si Kyrie Irving bagamat may mask ito sa mukha dahil sa broken bone na tinamo noong Nobyembre 10.
Pinangunahan ni Irving ang matinding opensa ng Celtics para mai – rehistro ang 30 points kung saan sa first half pa lamang ng laro ay nakagawa na ito ng 17 points.
Dahil sa matinding shooting ng Celtics, sa half time pa lamang ay mayroon na itong 73 points na maituturing na season high sa NBA.