Nangangamba ang mga cement manufacturer sa posibleng pagbabawal sa quarrying buong bansa matapos ang landslides sa Naga City, Cebu.
Magugunitang pinasuspinde ni Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang quarrying operations sa walong (8) rehiyon dahil sa pagguho ng isang quarrying site sa naturang lungsod na ikinasawi na ng halos 60 katao.
Ayon sa Cement Manufacturer Association of the Philippines (CEMAP), maaaring magkaroon ng epekto sa ‘Build, Build, Build’ program ng gobyerno ang ban sa quarrying lalo’t mahalaga ang semento sa pagtatayo ng kahit anong imprastraktura.
Tiniyak din ng CEMAP na tumatalima ang kanilang mga miyembro sa health and safety standards ng gobyerno.
Samantala, nakiramay ang naturang grupo sa mga biktima ng landslides sa Cebu maging sa Itogon, Benguet.
—-